December 7, 2008

Nanalo si Pacman!

walang kwentang laban,parang d naglaro si delahoya.parang tumayo lang siya at naglakad sa paligid.napaka walang kwenta tlaga.

September 4, 2008

Amazing Race Asia 3

Amazing Race Asia 3 na! Play the online board game now!

August 31, 2008

Tara! Paglaruan natin si PGMA!

Isang website ang aking nadiskubre,may mga laro dito na pwede mong paglaruan ang ating mahal na pangulo. CLICK HERE to play.

July 22, 2008

na naman!?!

nakaka-awa naman ang mga kumpanya ng mga langis.nalulugi na sila.ang nakaka-lungkot pa dito, kung kelan sila nagsasabing nalulugi sila eh ito namang pagsulpot ng kanilang mga bagong bukas na gas stations. sa lugar lang namin 3 ang bagong bukas na shell, petron at caltex.pero nalulugi sila mga giliw kong mambabasa.sino ba naman ang maniniwala sa mga pinagsasabi ng mga kumpanyang ito?kaliwa't kanan ang pagtatayo ng bagong gas station tapos nalulugi sila?buhay nga naman.ginagawang tanga ang mga tao eh.

July 21, 2008

nakaka bobo ang tv!

kelan pa naging 1>2???
kelan pa naging masustansya ang instant noodles???
kelan naging natural ang tinolang manok na ginamitan ng cubes na punong puno ng msg???

July 15, 2008

PAGC TV Ad


Panong d matitigil ang corruption sa ating bansa kung ang sariling pangulo natin ang siyang nangunguna sa pag kuha ng kaban ng bayan? Isama mo na ang asawa nyang mukhang *toot* na! At ang mga galamay ng ating butihing pangulo. Mas maganda siguro sa patalastas ng PAGC kung si PGMA mismo ang ginawa nilang pangunahing karakter dito.

July 10, 2008

:)

Can I be your part time lover and a full time friend.

July 9, 2008

World Allergy Day!

Alam nyo ba na world allergy day day kahapon.
For more info about allergies visit the website of the World Allergy Organization HERE.

July 5, 2008

Smile! 100,000,000 a day!

Seryoso akong nagtetext at naka-upo sa harap ng tindahan ng nanay ko ng biglang may isang bata(2 years old) na kumakain ng pandesal ang nagdaan. Nagulat na lang ako ng ang laki ng ngiti nya sabi nya pabulong HI. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik kaso wala na siya. Maya maya bumalik ulit siya. Laki pa rin ng ngiti nya at nag hi ulit siya.
Sa dami ng problema ng mundo. (Huwag na nating isa-isahin dahil kulang ang isang araw para dito.) Ngumiti sa kapwa na lang ang libre mong maibibigay. so dont forget to smile 100 million times a day!

July 3, 2008

Paki sagot! (yung matinong sagot ha!)

Ano ang tagalog term sa larong DODGE BALL???

June 12, 2008

Kalayaan!

Ipinagdiriwang nating ngayon ang ika-110 taong anibersaryo ng ating kalayaan.
Pero tunay nga bang malaya si Juan Dela Cruz?
Madami pa rin ang mga taong nakakulong sa kahirapan sa bansa. Madaming tao ang nagugutom. Madaming taong walang trabaho. Madaming pamilya ang nagkakahiwalay para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanya-kanyang pamilya. Corruption sa gobyerno. Buwaya na pulitiko. Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Isang bansang hindi lubos na nagkakaisa. Watak watak sa isip, sa salita at sa gawa. Yan ba ang kalayaan na ipinagmamalaki ni Juan Dela Cruz?

June 1, 2008

Jun Lozada's Blog

Yesterday, ZTE's whistle blower, Jun Lozada launched his own blog. ">http://jlozada.com"> CLICK HERE to visit his site now!

May 16, 2008

golf game, kontrata atbp...

natatandaan ko pa sabi ng golf instructor ko dati. madami daw benefits ang paglalaro ng golf sa isang tao.
una. magandang exercise. pangalawa. magandang social activity. pangatlo. pag nasa isang kompanya ka at gusto mong sumipsip sa boss mo. alamin mo ang golf sked nya at dun ka rin maglaro. pang-apat. makakatagpo ka ng mga maiimpluwensyang nilalang sa golf course. pang-lima. pag gusto mong madikit sa girl na gusto mo, itreat mo xa sa isang golf game at turuan mo xang mag swing. at ang huli. maganda ang golf sa mga kontrata. dahil after the 18th hole eh sure na sure ng pirmahan ng kontrata ang kasunod. madaming nagaganap sa golf course na hangang golf course lang at d maaring lumabas.
-------------------------------------------------------------------------
wala lang naisipan ko lang magsulat dahil nasa balita ang isang pagtitipong naganap sa isang golf course sa china.(nakakamiss rin palang maglaro nito 8 months na akong d nakakapaglaro.)

May 8, 2008

kuryente, atbp.

Tumaas ang kuryente namin ngaung buwan kasi maghapon at magdamag naka bukas ang aircon. Kung itatake over ng gobyerno ang meralco, bababa kaya bill namin sa kuryente? bakit ba maxadong interesado ang gobyerno na makuha ang meralco sa mga lopez?dahil ba kritiko ng administration ang pamilyang lopez?
bakit parang natatabunan na ang isyu ng kakulangan sa bigas sa ating bansa?
wala na bang nagugutom at madami na bang bigas na makakain ang mga tao?mabubuhay naman yata ang mga tao kung walang kuryente eh.bakit d muna isantabi yang isyu sa kuryente at magtuon kayo ng pansin sa pagpaparami ng pagkain sa pinas?

isang masayang thursday!

After 5 days ng walang telepono at internet connection. Sa wakas naayos na rin ng pldt ang linya sa aming lugar!haha

April 29, 2008

Pabili po ng NFA rice!

After 15 days eh nagalaw ko uli ang multiply.(Tamad lang ako magsulat! Wala rin naman kasing kwenta at wala ring nagbabasa!haha)
Last saturday napadaan ako ng Commonwealth Avenue, sa may QC po ito para sa kapakanan ng ibang d nakakaalam. Lagi kasing nababalita ang pila ng NFA rice dito, pero d un ang sadya ko dun, papunta kami ng novaliches. Pangalawang beses ko ng dumaan dito ng magsimulang kumalat ang balitang rice shortage. Nung unang beses aba may pila nga sa NFA(that was 2 weeks ago). Aba last saturday eh walang kapila pila sa NFA. Nagdidiet na kaya sila? O praning lang ang mga tao kaya nagsisipila sa NFA rice? In fairness masarap ang NFA rice.haha kaya kami pumipila na rin sa NFA eh.haha Mas masarap pa xa sa bigas na ani namin sa aming munting palayan.
At matipid ang NFA rice. ang isang kilong commercial rice ay isang saingan lang para sa let's say 4 na katao na d matakaw, eh ang isang kilong NFA rice eh pwedeng isaing para sa 12 katao dahil kelangan nito ng madaming tubig para isaing.dba matipid? kaya sa NFA rice na tayong lahat! Mura na! Matipid pa!

Limang Bilyon Para sa Naghihirap na si Juan

Limang bilyong piso ang inilaan para sa 300,000 pamilya na nasasadlak sa matinding kahirapan sa bansa. Limang bilyong piso na ipapamigay sa mga pamilya na magpupunta sa mga Health Centers sa kanilang mga bayan para magpa-konsulta at sa mga batang papasok sa mga paaralan(bokod pa dito ang isang kilong bigas araw araw sa pagpasok ni Juan Jr. sa kanyang paaralan.).
Limang daang piso ang ipina-pangakong halaga na ibibigay sa mga magulang para lang magpatingin ang buong pamilya sa mga Centers. At 300 naman kay junior kung makakakumpleto siya ng 85% ng total attendance na itinakda sa eskwelahan niya.
Pantawid gutom na solusyon ito ng pamahalaan para lang may makain ang pamilya ni Juan araw araw. Srtehiya na rin siguro ito ng pamahalaan para makasigurado na lahat ng pamilya ay malulusog at malalayo sa mga karamdaman. At ang bawat batang Pilipino ay pumapasok sa paaralan.
Kaso pano pag naubos ang limang bilyong pisong pondo na ito? San pupulutin ang pamilya ni Juan? Pano sila kakain kung umaasa lang sila sa rasyon ng pera sa Center at sa eskwelahan?
Madami ang mahihirap at taun-taon ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga taong ito. Magandang sagot yan sa kahirapan. Bigyan ng pera ang mahihirap para may makain sa araw-araw. Kaso panandaliang sagot lang yan sa tumitinding krisis ng gutom at kahirapan sa bansa. Kulang ang Pilipinas sa trabaho. 400,000++ ang nagsipagtapos ngaun sa kolehiyo at 64,000++ lang ang trabahong naghihintay sa kanila. Pano na ang mga masa na d nakapagtapos? Aasa na lang ba sila sa rasyon ng pera at bigas sa gobyerno?
Hindi Limos ang kelangan ng mga Pilipino. Naghihirap ang mga Pilipino pero wag mong ipamukha sa kanila na "ito ang limos na 500 at 300 para makakain kayo araw-araw". Turuan mo silang mamingwit ng isda sa dagat. Huwag ang isda ang lalapit sa kanila.
Kaso mas gusto ng gobyerno ang ganitong sistema. 5 bilyong piso para sa naghihirap at tig-limang bilyong piso rin sa bawat bulsa ng mga taong walang ginawa kundi kumain ng litson at caviar.
Hangang pangarap na lang ba si Juan na maka-ahon sa kahirapan? :)

April 14, 2008

PLEASE READ! (A message from a mother with a special child)

WALA KANG UTAK AT PUSO PAG DI MO BINASA ITO!
This message was forwarded to me by Tita Cel thru friendster. D naman lingid sa karamihan na may kapatid akong special child na madalas kutyain at pagtawanan ng mga taong walang puso at walang utak. Biniyayaan ka nga ng utak na matino pero d mo naman ginagamit ng tama.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
FW: THOSE WARM SMILES ARE PRECIOUS
Original message from IKORSKEI:
> Hi, i would like to invite you to please join our group the SPECIAL PARENTS AND FRIENDS' OF KIDS W/ SPECIAL NEEDS.
>
> It's really challenging to have a child born to have or have acquired a need/s that should be specially addressed.
>
> The bills for therapy sessions, developmental pedias, specialists would pile up like plates, not to mention sometimes it could be heart-wrenching like seeing my child trying his best to do tasks as if his future would depend on it. And the questioning stares of others, hurtful side glances, even smiles that I'm sure weren't meant for a warm prelude to friendship.
>
> Let me share with you a story: Me and my son was having a snack in a fast food chain near Makati. He wasn’t able to finish his meal so he told me he would ask 'ate' from the counter for a plastic bag. I was proud at that time for his initiative and confidence. So he went to the counter. He told the service crew from the counter for a plastic bag, but I guess my son was not clear on producing the ‘s’ sound (for which he was having a lesson on speech therapy) inconsiderately, the girl laughed! She made my son repeat the words and was still laughing. Helpless, she asked the next girl from the counter to help her ‘decipher’ what was that my son was asking .and I guess the words came clearer for the second girl she gave my son the plastic bag. I was looking throughout the incident, I knew my son’s confidence and the girl’s attitude would not deter him for accomplishing a simple task and so I watched, pained.
>
> How many are out there, like the girl in the counter who would laugh at a special child’s slurring words? and how many are out there, like the second girl from the counter who would look still, encouraging in a special child’s eyes and try to understand? Not many.
>
> Help them understand. Help others know that an encouraging look, a warm smile, a small tap in the shoulder, a steady hand to offer would mean a lot to a child with special needs. It is the belief of others that would make them confident to go on and a chance to make their lives a better place to play, laugh, sing, dance…even though others would judge but there will be a lot like us that understands and believes and that is all will matters.
>
> Please join and be a friend to children with special needs. The next time you’ll see one offer a smile and you’ll see an angel smiling back at you.
>
> Sincerely, Ycor (mom of a cheerful child with special needs)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Join us spread the word. Make them feel that they are indeed special.

March 13, 2008

Para sa gustong bumasa

"WEAK MINDS TALK ABOUT PEOPLE...
AVERAGE MINDS TALK ABOUT EVENTS...
GREAT MINDS TALK ABOUT IDEAS...
"

Ano ka sa tatlong yan?
Ikaw ang chismosa sa kanto?
O Ikaw ang taong usisero?
O ikaw ang taong gago?

February 28, 2008

Walang kapararakang usapan!

Madalas kong itanong sa mga estudyante ng narsing ang: WHY NURSING?
Iba't ibang sagot ang nakukuha ko. May isang bata ang sumagot ng gusto nya daw talaga mapunta sa medical profession at itutuloy nya raw ito sa medisina. Balak nya raw ituloy sa ibang bansa dahil sa Pilipinas daw ay kulang ang mga kagamitan at kulang daw ang kalidad ng edukasyong pang medisina.
Ang sa akin lang. Kung ikaw ay walang bilib sa kalidad ng edukasyon sa pilipinas lalo na sa larangan ng medisina, e sana d ka na kumuha dito ng narsing dito! Di ba? Kasi ibig sabihin yung pinasukan mo kulang din ang kalidad. At ibig sabihin din na wala ka rin palang bilib sa sarili mo na makipag sabayan sa buong mundo kasi sabi mo nga kulang ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Wag kang mangarap na makarating sa ibang bansa bata! D ka papasa! Kasi sariling bayan mo tinapakan mo eh. Masyadong mataas! Tingin ka muna dito sa baba! Peace pare!

February 27, 2008

blab, snitch, whatever! (Part Two)

Babala: Pawang komento at walang saysay ang nilalaman nito.
Mahirap maging presidente. O kahit isang classroom na lang. Nung highschool i was elected class president (atleast natupad pangarap kong maging president, kahit sa classroom lang). maraming tumuligsa na hindi daw ako karapat dapat sa pwesto. Madaming batikos.
Problema kasi sa kanila maxado silang magaling! Este, nagmamagaling! Na kesyo ganito ganyan daw ang tamang pagpapatakbo. Inihalintulad ko dati ang klase namin sa isang gubat. Maingay ito. Magulo ang ayos. Parang dinaanan ng bagyo. Bastos sa mga guro. Parang walang pinagaralan. Kaso mas magulo pa pala kami sa gubat. Kasi sa gubat matiwasay ang lahat. May mga batas na sinusunod ang lahat ng organismo na nakatira dito. Nagwawala lang ang mga hayop dito pag may taong alam nilang guguluhin ang katahimikan sa teritoryo nila. Sa gubat walang hari. Walang reyna. Walang Presidente. pero lahat matiwasay na namumuhay ayon sa kanilang sariling batas.
Katulad ng pagpasok ng mga tao sa kagubatan. Nagugulo nito ang takbo ng pamumuhay sa loob nito. Lahat hindi alam kung ano ang gagawin. Kung ihahalintulad ito sa ating pamayanan. Namumuhay ng normal si Juan Dela Cruz ng mapayapa. Naghahanap buhay si Juan sa isang matinong Opisina. Kaso darating ang mga "matatalinong tao". Nagmamagaling! NAgmamarunong. Na sila ang pantas na dapat sundin. Madami ang nagmamarunong at nagsasabi kay Juan na "ito ang gawin mo", "wag kang maniwala dyan, ito ang totoo"...sa dami ng nasabi d na alam ni Juan kung sino ang dapat paniwalaan, sino ang dapat sundin. Nakalimutan ni Juan na may sarili siyang utak para magisip. SAriling utak na magsasabi kung sino ang tama at mali. Nakontrol na ng "magagaling" na tao ang utak ni Juan. Isang utos kay Juan sunod agad siya sa mga "nagmamarunong" na tao.

February 26, 2008

blab, snitch, whatever!

Tuwing Mayo, may karapatan ang bawat Pilipino na bumoto. Bumoto ng sa tingin nila na karapat-dapat sa pwestong tinatakbuhan nito. Kung bakit kasi d nyo pagisipan ng tama ang iboboto nyo tuwing election. Na pag nagkamali ang lider na binoto nyo pupunta kayo sa kalye at magrarally para patalsikin ang iniupo nyo sa pwesto. Sige mga pare koy, "ilihitimo" na at "nandaya" ang presidenteng pinapatalsik nyo. Tanong ko? Bakit d mo binantayan ang boto mo? Alam mo siguro na mahalaga ang boto mo. Sana iningatan mo. Binantayan mo.
Ang responsibilidad mo sa bansang ito ay hindi natatapos sa pagboto lang, bantayan mo ang botong pinagisipan mo kahit papano ng ilang segundo. Ang botong pinagpaguran at pinagpawisan kang isulat sa kwartong mainit at masikip na kung suswertehin ay may maliit na elektrikpan.
Kahapon ipinagdiwang ang anibersaryo ng isang matiwasay na rebolusyon laban sa isang diktador na tinawag na people power. Bakit pag ayaw nyo sa isang opisyal e dun nyo ginagamit ang katalinuhan nyong tinatago? Madami pala kayong mga alam tungkol sa katiwalian ng isang pandak na babae eh. Bakit nyo pa binoto? At sasabihin ko uli sinabi ko kanina. Bakit d nyo kasi binantayan ang boto nyo? Tapos ngayon tatawag tawag kayo ng isang malawak na kilos protesta para sa isang people power upang mapatalsik ang isang opisyal na kung titingnan mo sa umpisa e ikaw ang nagbigay kapangyarihan.
Kagaguhan ang pinag-gagawa nyo eh!
Katarantaduhan nyo yan tapos katarantaduhan din ang papairalin nyo para mapatalsik ang tarantadong isa na kayo mismo ang nagluklok! peace to all assholes!

February 19, 2008

Big Brother's PGMA Edition

Natagpuan ko itong site na ito na ginawa ng black and white movement. I find this site a bit chutzpah. The rules and regulations of this show was a bit bellow the belt for me. :)
CLICK HERE!

February 16, 2008

Emails!

A woman was leaving a convenience store with her morning coffee when she noticed a most unusual funeral procession approaching the nearby cemetery.

A long black hearse was followed by a second long black hearse about 50 feet behind the first one. Behind the second hearse was a solitary woman walking a pit bull on a leash. Behind her, a short distance back, about 200 women were walking single file.

The woman couldn't stand her curiosity. She respectfully approached the woman walking the dog and said, "I am so sorry for your loss, I know now is a bad time to disturb you, but I've never seen a funeral like this. Whose funeral is it?"

My husband's

"What happened to him?"

The woman replied, "My dog attacked and killed him."

She inquired further, "Well, who is in the second hearse?"

The woman answered, "My mother-in-law. She was trying to help my husband when the dog turned on her."

A poignant and thoughtful moment of silence passed between the two women.

"Can I borrow the dog?"

"Get in the line." .

February 14, 2008

February 14 is SINGLE'S DAY

It's Valentine's day so I went out today and watched a movie, alone, as always. But i like being alone in theatres, so much peaceful, so quiet, and a lot cheaper than going out in groups or dates. I always watch at the Shang Ciniplex but I have no budget today since I've watched twice there this week, Tuesday(The bucket list) and Wednesday (Jumper). I've decided to go to the nearest movie house here in rizal, Robinson's Metro East and watched The Spiderwick Chronicles. It was fun but kinda irritating. Some were talking, some texting, some were doing something else, i don't wanna know what was that something else but they make some awful noise (much more of a kissing sound to me). I wish all theatres are like Shang Cineplex cause when I watch their It's literally I'm alone inside the theater.

February 13, 2008

The Secret Document

Dear reader,
My secret document is located in My Documents folder. It is password protected. All things about me is written on that secret document. All the details about my funeral and burial is also written on that document.

Sincerely yours,
Ryan Padilla

February 7, 2008

No Title

To Former COMELEC Commissioner Benjamin Abalos:
>>>Magaling po pala kau sa math Ginoong komisyoner. Para sa isang ambush interview sa Wakwak ay nalaman nyo agad ang exact equivalent ng halagang 130 MILLION DOLLARS in PHP in split second without using any calculator at alam nyo rin ang palitan ng dolyar sa piso nung panahon na yon. Galing nyo po. Halatang HINDI nyo napakingan ang presscon ni Ginoong Lozada sa La Salle.
>>>Ginoong komisyoner, madaling araw para mag golf? Naglalaro ako ng golf pero hindi naman madaling araw. Hindi po ba kayo makatulog dahil nabalitaan nyong magsasalita na si Ginoong Lozada at maaring madiin kayo?

To DENR Secretary Lito Atienza
>>>Stay out of this bullshit. Gusto mo rin makisali sa gulo? O gusto mo lang din mapagusapan? Malayo po ang DENR sa NBN PROJECT!

To the President
>>>Napapansin mong pahirap ang asawa mo sa trabaho mo? Naniniwala ako kahit papano na wala kang kinalaman sa gusot na ito. If i were you, hindi ko na binuhay yan eh, niletson ko na lang yan. Madaming taong gutom ang matutuwa.

To Jun Lozada
>>>Sana d ka mawala ng parang bula, panindigan mo ang nasimulan mo kung nagsasabi ka man ng totoo. Fast Facts: Jun Lozada's brother died sa isang shootout, ang may sala PNP. Taong kalye si Jun Lozada, isa siyang aktibista. Idealistic na tao si Jun Lozada. (From Tambalang Failon at Sanchez(DZMM))

February 3, 2008

In Case of Emergency

From Cedric's Dad/ Ced's blog

"In Case of Emergency" (ICE Campaign)


We all carry our mobile phones with names & numbers stored in its memory but nobody, other than ourselves, knows which of these numbers be long to our closest family or friends.

If we were to be involved in an accident or were taken ill, the people attending us would have our mobile phone but wouldn't know who to call. Yes, there are hundreds of numbers stored but which one is the contact person in case of an emergency? Hence this "ICE" (In Case of Emergency) Campaign is the answer.

The concept of "ICE" is catching on quickly. It is a method of contact during emergency situations. As cell phones are carried by the majority of the population, all you need to do is store the number of a contact person or persons who should be contacted during emergency under the name "ICE" ( In Case Of Emergency).


The idea was thought up by a paramedic who found that when he went to the scenes of accidents, there were always mobile phones with patients, but they didn't know which number to call. He therefore thought that it would be a good idea if there was a nationally recognized name for this purpose.

In an emergency situation, Emergency Service personnel and hospital Staff would be able to quickly contact the right person by simply dialing the number you have stored as "ICE."

For more than one contact name simply enter ICE1, ICE2 and ICE3 etc. A great idea that will make a difference! Let's spread the concept of ICE by storing an ICE number in our Mobile phones today!

Please forward this.

It won't take too many "forwards" before everybody will know about this.

It really could save your life, or put a loved one's mind at rest.

ICE will speak for you when you are not able to.

January 29, 2008

Screw all those bastards.

The vermins are back. And lucky me, those vermins held me up and robbed me and took my cash away. Very unlucky day for me!

January 17, 2008

Meet my Daemon

Here's my own personal Daemon, Athenestia. The movie was great kaso noong ending na eh,nabitin ako .:)

January 13, 2008

Next in Line

"What has Life to offer me when I grow old?"
After graduating from college? Saan ako pupulutin?
"What’s there beyond sleep, eat, work in this cruel life"
Ito na lang ba ang lagi kong gagawin sa buong buhay ko?
"We are Next In Line"
Pero parang walang tao ang may paki sa bansa natin, lahat gustong umalis, lahat gustong mangibang bayan.
Are we still the future of this nation?

January 11, 2008

Sari-saring ka-aningan ng mga tao

ilang mga kwento mula sa kaibigan kong nagbantay sa isang ospital sa caloocan.

MAY SUGAT AKO!!!
Isang lalaki ang tumatakbo at hysterical habang buhat ang kanyang kaibigang babae na walang malay.Napagalaman na ang dahilan ng paglalaslas ng babae ay ang kanilang paghihiwalay ng kanyang kasintahan.Laking gulat ng doktor pati na rin ng mga nars na ang sugat na tinatakpan ng twalya ay parang kalmot lang ng pusa. Maya-maya pa ay nagbayad na ang kasama nyang lalaki at sa labas ay naghaharutan na ng dalawa, at nagtatawanan pa. (Tae, magpapakamatay ka pala eh. Call me and i'll give you guillotine.)

IPASOK MO PA BABY.
Ilang bata rin ang naisugod sa naturang ospital sa Caloocan. Ang unang kaso, isang bata na kumain ng pellets, d pa nakuntento ay ipinasok nya pa sa ilong nya. Ang pangalawang bata naman ay naglaro sa kanilang garahe at napagtripan ang toolbox ng kanyang ama. Napansin nya yata na kulang siya sa turnilyo sa katawan kaya naman sinubukan nyang ipasok ang isang malaking turnilyo sa ilong nya. (Gusto ng mga batang ito paglaki ay maging sirkero, sa munting edad plang nila ay sinasanay na nila ang kanilang sarili na magpasok ng mga bagay sa kanilang ilong.)

TAKBO PA!
Isang lasing na lasing na lalaki ang dinala sa ER para gamutin ang taga sa kanyang braso, ngaunit dahil lango sa alak ay parang nakipaglaro pa ito sa mga doctor at staff ng ospital. Takbo dito, takbo doon, hangang sa nanghina na ang lalaki. (Ano bang meron sa alak at mahilig inumin ito ng mga tao?)

ONE, TWO, THREE, JUMP!

Pag sumasakay ako ng jeep pauwi ay madami talaga ang sumasabit sa likuran ng mga jeep na mga bata. Pero ang ilang bata ay pumapanik ng mga trak para kumuha ng mga bakal na kanilang ibebenta sa mga junk shop. Ngunit 'd lahat ng mga bata ay nagigigng matagumpay sa pagpanik panaog sa mga dambuhala at rumaragasa na mga trak na ito. Dalawang bata ang naisugod ng Miyerkules ng hapon dahil sa maling pagbagsak nila sa isang trak. 'Yong isa ay dali-daling itinakbo sa East Avenue dahil wala itong malay at para matingnan na rin ng isang dalubhasa, samantalang 'yung isa naman ay may bali lang ang ilang parte ng katawan ngunit nahimasmasan din pagkatapos ng ilang minutong pagkakaidlip. (Dapat silang nagaaral,hindi nangunguha ng mga bakal para lang may makain sila sa araw.)

Ilang mga kwento ng kapabayaan, kapabayaan ng magulang sa anak na naglalaro dahil busy sa paglalaro ng tongits sa kanto o kaya naman sa pagtratrabaho. Kapabayaan sa sarili, papatayin at lalansingin ang sarili para lang matakasan ang ilang pagsubok sa buhay. Kapabayaan ng ating Gobyerno, mga batang d pa dapat namumulat sa hirap ng buhay, ngunit kelangan nilang kumayod para may maipakain sa pamilyang gutom. Mga batang dapat nasa silid aralan para magaral, ngunit walang mapasukan dahil kulang ang pasilidad at pati na rin ang kulang na mga silid aralan at eskwelahan.

January 7, 2008

Meet my other GoogleGangers

Googleganger: Voted as the most creative word for 2007 , derived from doppelganger, a German word for a double, or namesake.
You've met my first googleganger from Texas, the 12 year old school boy who was killed by pick up truck right after he got off from his school bus.
My newest googleganger is from Valle, Mexico. Watch his video here.
This Ryan Padilla is a Brand Strategy Consultant. He competed in a snow-shoe race last 2006-2007.
Try to search your name in google and find your googleganger now!
:)