January 11, 2008

Sari-saring ka-aningan ng mga tao

ilang mga kwento mula sa kaibigan kong nagbantay sa isang ospital sa caloocan.

MAY SUGAT AKO!!!
Isang lalaki ang tumatakbo at hysterical habang buhat ang kanyang kaibigang babae na walang malay.Napagalaman na ang dahilan ng paglalaslas ng babae ay ang kanilang paghihiwalay ng kanyang kasintahan.Laking gulat ng doktor pati na rin ng mga nars na ang sugat na tinatakpan ng twalya ay parang kalmot lang ng pusa. Maya-maya pa ay nagbayad na ang kasama nyang lalaki at sa labas ay naghaharutan na ng dalawa, at nagtatawanan pa. (Tae, magpapakamatay ka pala eh. Call me and i'll give you guillotine.)

IPASOK MO PA BABY.
Ilang bata rin ang naisugod sa naturang ospital sa Caloocan. Ang unang kaso, isang bata na kumain ng pellets, d pa nakuntento ay ipinasok nya pa sa ilong nya. Ang pangalawang bata naman ay naglaro sa kanilang garahe at napagtripan ang toolbox ng kanyang ama. Napansin nya yata na kulang siya sa turnilyo sa katawan kaya naman sinubukan nyang ipasok ang isang malaking turnilyo sa ilong nya. (Gusto ng mga batang ito paglaki ay maging sirkero, sa munting edad plang nila ay sinasanay na nila ang kanilang sarili na magpasok ng mga bagay sa kanilang ilong.)

TAKBO PA!
Isang lasing na lasing na lalaki ang dinala sa ER para gamutin ang taga sa kanyang braso, ngaunit dahil lango sa alak ay parang nakipaglaro pa ito sa mga doctor at staff ng ospital. Takbo dito, takbo doon, hangang sa nanghina na ang lalaki. (Ano bang meron sa alak at mahilig inumin ito ng mga tao?)

ONE, TWO, THREE, JUMP!

Pag sumasakay ako ng jeep pauwi ay madami talaga ang sumasabit sa likuran ng mga jeep na mga bata. Pero ang ilang bata ay pumapanik ng mga trak para kumuha ng mga bakal na kanilang ibebenta sa mga junk shop. Ngunit 'd lahat ng mga bata ay nagigigng matagumpay sa pagpanik panaog sa mga dambuhala at rumaragasa na mga trak na ito. Dalawang bata ang naisugod ng Miyerkules ng hapon dahil sa maling pagbagsak nila sa isang trak. 'Yong isa ay dali-daling itinakbo sa East Avenue dahil wala itong malay at para matingnan na rin ng isang dalubhasa, samantalang 'yung isa naman ay may bali lang ang ilang parte ng katawan ngunit nahimasmasan din pagkatapos ng ilang minutong pagkakaidlip. (Dapat silang nagaaral,hindi nangunguha ng mga bakal para lang may makain sila sa araw.)

Ilang mga kwento ng kapabayaan, kapabayaan ng magulang sa anak na naglalaro dahil busy sa paglalaro ng tongits sa kanto o kaya naman sa pagtratrabaho. Kapabayaan sa sarili, papatayin at lalansingin ang sarili para lang matakasan ang ilang pagsubok sa buhay. Kapabayaan ng ating Gobyerno, mga batang d pa dapat namumulat sa hirap ng buhay, ngunit kelangan nilang kumayod para may maipakain sa pamilyang gutom. Mga batang dapat nasa silid aralan para magaral, ngunit walang mapasukan dahil kulang ang pasilidad at pati na rin ang kulang na mga silid aralan at eskwelahan.

No comments: