February 28, 2008

Walang kapararakang usapan!

Madalas kong itanong sa mga estudyante ng narsing ang: WHY NURSING?
Iba't ibang sagot ang nakukuha ko. May isang bata ang sumagot ng gusto nya daw talaga mapunta sa medical profession at itutuloy nya raw ito sa medisina. Balak nya raw ituloy sa ibang bansa dahil sa Pilipinas daw ay kulang ang mga kagamitan at kulang daw ang kalidad ng edukasyong pang medisina.
Ang sa akin lang. Kung ikaw ay walang bilib sa kalidad ng edukasyon sa pilipinas lalo na sa larangan ng medisina, e sana d ka na kumuha dito ng narsing dito! Di ba? Kasi ibig sabihin yung pinasukan mo kulang din ang kalidad. At ibig sabihin din na wala ka rin palang bilib sa sarili mo na makipag sabayan sa buong mundo kasi sabi mo nga kulang ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Wag kang mangarap na makarating sa ibang bansa bata! D ka papasa! Kasi sariling bayan mo tinapakan mo eh. Masyadong mataas! Tingin ka muna dito sa baba! Peace pare!

No comments: