Limang bilyong piso ang inilaan para sa 300,000 pamilya na nasasadlak sa matinding kahirapan sa bansa. Limang bilyong piso na ipapamigay sa mga pamilya na magpupunta sa mga Health Centers sa kanilang mga bayan para magpa-konsulta at sa mga batang papasok sa mga paaralan(bokod pa dito ang isang kilong bigas araw araw sa pagpasok ni Juan Jr. sa kanyang paaralan.).
Limang daang piso ang ipina-pangakong halaga na ibibigay sa mga magulang para lang magpatingin ang buong pamilya sa mga Centers. At 300 naman kay junior kung makakakumpleto siya ng 85% ng total attendance na itinakda sa eskwelahan niya.
Pantawid gutom na solusyon ito ng pamahalaan para lang may makain ang pamilya ni Juan araw araw. Srtehiya na rin siguro ito ng pamahalaan para makasigurado na lahat ng pamilya ay malulusog at malalayo sa mga karamdaman. At ang bawat batang Pilipino ay pumapasok sa paaralan.
Kaso pano pag naubos ang limang bilyong pisong pondo na ito? San pupulutin ang pamilya ni Juan? Pano sila kakain kung umaasa lang sila sa rasyon ng pera sa Center at sa eskwelahan?
Madami ang mahihirap at taun-taon ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga taong ito. Magandang sagot yan sa kahirapan. Bigyan ng pera ang mahihirap para may makain sa araw-araw. Kaso panandaliang sagot lang yan sa tumitinding krisis ng gutom at kahirapan sa bansa. Kulang ang Pilipinas sa trabaho. 400,000++ ang nagsipagtapos ngaun sa kolehiyo at 64,000++ lang ang trabahong naghihintay sa kanila. Pano na ang mga masa na d nakapagtapos? Aasa na lang ba sila sa rasyon ng pera at bigas sa gobyerno?
Hindi Limos ang kelangan ng mga Pilipino. Naghihirap ang mga Pilipino pero wag mong ipamukha sa kanila na "ito ang limos na 500 at 300 para makakain kayo araw-araw". Turuan mo silang mamingwit ng isda sa dagat. Huwag ang isda ang lalapit sa kanila.
Kaso mas gusto ng gobyerno ang ganitong sistema. 5 bilyong piso para sa naghihirap at tig-limang bilyong piso rin sa bawat bulsa ng mga taong walang ginawa kundi kumain ng litson at caviar.
Hangang pangarap na lang ba si Juan na maka-ahon sa kahirapan? :)
April 29, 2008
Limang Bilyon Para sa Naghihirap na si Juan
Posted by
ryan padilla
at
Tuesday, April 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment