Babala: Pawang komento at walang saysay ang nilalaman nito.
Mahirap maging presidente. O kahit isang classroom na lang. Nung highschool i was elected class president (atleast natupad pangarap kong maging president, kahit sa classroom lang). maraming tumuligsa na hindi daw ako karapat dapat sa pwesto. Madaming batikos.
Problema kasi sa kanila maxado silang magaling! Este, nagmamagaling! Na kesyo ganito ganyan daw ang tamang pagpapatakbo. Inihalintulad ko dati ang klase namin sa isang gubat. Maingay ito. Magulo ang ayos. Parang dinaanan ng bagyo. Bastos sa mga guro. Parang walang pinagaralan. Kaso mas magulo pa pala kami sa gubat. Kasi sa gubat matiwasay ang lahat. May mga batas na sinusunod ang lahat ng organismo na nakatira dito. Nagwawala lang ang mga hayop dito pag may taong alam nilang guguluhin ang katahimikan sa teritoryo nila. Sa gubat walang hari. Walang reyna. Walang Presidente. pero lahat matiwasay na namumuhay ayon sa kanilang sariling batas.
Katulad ng pagpasok ng mga tao sa kagubatan. Nagugulo nito ang takbo ng pamumuhay sa loob nito. Lahat hindi alam kung ano ang gagawin. Kung ihahalintulad ito sa ating pamayanan. Namumuhay ng normal si Juan Dela Cruz ng mapayapa. Naghahanap buhay si Juan sa isang matinong Opisina. Kaso darating ang mga "matatalinong tao". Nagmamagaling! NAgmamarunong. Na sila ang pantas na dapat sundin. Madami ang nagmamarunong at nagsasabi kay Juan na "ito ang gawin mo", "wag kang maniwala dyan, ito ang totoo"...sa dami ng nasabi d na alam ni Juan kung sino ang dapat paniwalaan, sino ang dapat sundin. Nakalimutan ni Juan na may sarili siyang utak para magisip. SAriling utak na magsasabi kung sino ang tama at mali. Nakontrol na ng "magagaling" na tao ang utak ni Juan. Isang utos kay Juan sunod agad siya sa mga "nagmamarunong" na tao.
February 27, 2008
blab, snitch, whatever! (Part Two)
Posted by
ryan padilla
at
Wednesday, February 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment