February 26, 2008

blab, snitch, whatever!

Tuwing Mayo, may karapatan ang bawat Pilipino na bumoto. Bumoto ng sa tingin nila na karapat-dapat sa pwestong tinatakbuhan nito. Kung bakit kasi d nyo pagisipan ng tama ang iboboto nyo tuwing election. Na pag nagkamali ang lider na binoto nyo pupunta kayo sa kalye at magrarally para patalsikin ang iniupo nyo sa pwesto. Sige mga pare koy, "ilihitimo" na at "nandaya" ang presidenteng pinapatalsik nyo. Tanong ko? Bakit d mo binantayan ang boto mo? Alam mo siguro na mahalaga ang boto mo. Sana iningatan mo. Binantayan mo.
Ang responsibilidad mo sa bansang ito ay hindi natatapos sa pagboto lang, bantayan mo ang botong pinagisipan mo kahit papano ng ilang segundo. Ang botong pinagpaguran at pinagpawisan kang isulat sa kwartong mainit at masikip na kung suswertehin ay may maliit na elektrikpan.
Kahapon ipinagdiwang ang anibersaryo ng isang matiwasay na rebolusyon laban sa isang diktador na tinawag na people power. Bakit pag ayaw nyo sa isang opisyal e dun nyo ginagamit ang katalinuhan nyong tinatago? Madami pala kayong mga alam tungkol sa katiwalian ng isang pandak na babae eh. Bakit nyo pa binoto? At sasabihin ko uli sinabi ko kanina. Bakit d nyo kasi binantayan ang boto nyo? Tapos ngayon tatawag tawag kayo ng isang malawak na kilos protesta para sa isang people power upang mapatalsik ang isang opisyal na kung titingnan mo sa umpisa e ikaw ang nagbigay kapangyarihan.
Kagaguhan ang pinag-gagawa nyo eh!
Katarantaduhan nyo yan tapos katarantaduhan din ang papairalin nyo para mapatalsik ang tarantadong isa na kayo mismo ang nagluklok! peace to all assholes!

No comments: