October 12, 2007

Si Juan Miguel Ambrosio De Castro Y Gago

"Dear Diary,
Ngayon ay ika-12 ng Oktubre ng taong 2007,..."
"Tae ng kalabaw...kala ko tsokolate. Putres na!..."
"JUAN MIGUEL AMBROSIO DE CASTROOOO!!!!!!!!"
"GAGO ka talagang batugan ka! Gumising ka nga dyan at huwag kang gumaya sa tatay mong walang hiya na walang alam gawin ay magtanim ng punla sa hiyas ko at gugulpihin ako pag namulaklak!" Pasigaw na bulyaw ng madrasta ni Miguel sa kanya upang magising sa mahimbing na pagkakatulog.
Gising ang panglabas ni Miguel ngunit pagod at tulog ang wisyo ni Miguel. Nakatanaw sa kawalan si Miguel habang binubulyawan ng madrastang kabwanan na sa pang-siyam na anak sa tatay ni Miguel.
Naghilamos at nagmadaling umalis ng bahay habang patuloy pa rin sa pagbulyaw ang madrasta niya. May rally daw sa may Commonwealth. Doon ang punta nya sa araw na yon. Ibababa na daw ang sentensya ni Erap kaya't kelangan nila ng madaming tao na magrarally. 75 pesos ang bayad at may libreng 3 kilong bigas at ilang delata. Pantawid gutom na nila un sa loob ng isang linggo.
Si Miguel na ang tumayong breadwinner ng maparalisa ang tatay nya, limang buwan na ang nakaraan ng atakihin ito sa puso. Nakatapos lang ng grade three si Miguel. Nahinto siya sa pagaaral ng mamatay ang kanyang ina nang nabaril ito ng pulis ng nagnakaw ito ng isang lata ng gatas para sa bunso nyang kapatid noon.
Nag-asawa uli ang kanyang ama tatlong buwan makalipas ang pagkakalibing ng kanyang ina. Delubyo ang dala ng kanyang madrasta. Si Imelda Purutoy. Dating Ms. Barangay na naging GRO sa may bar sa may Quezon Avenue. Doon siya nakilala ng tatay ni Miguel. Matalas ang dila ni Ida, mata lang ang walang latay pag bumirada na ang kanyang dila na mala-armalite. (Itutuloy)

No comments: