October 16, 2007

Ang Umpukan sa Tinadahan ni Aling Tinay

Usap-usapan sa labas ng Batasan, sa may tindahan ni Aling Tinay ang naganap na bigayan ng pera sa MalacaƱang. "Limang daang libong piso daw ang pinamigay sa mga gobernador ha!" sabi ni Mang Tikyo kay Aling Tinay na abalang nakikipagkwentuhan din sa kanyang mga amiga.
"OO nga eh, nakalagay lang daw sa supot. Tang inang yan! Hindi ba nila alam na madaming naghihirap sa Pilipinas?" sabat ni Goryo, isang mandurukot sa kahabaan ng Avenida.
"Eh bobo ka pala eh! Magsumikap ka kasi para umahon ka sa kahirapan!" sagot ni Aling Tinay.
"Bakit? Nagsusumikap naman ako ha? Aba mahirap maghanap ng makukulimbat ngayon ha!"
"May nagyayaya nga sa akin na mang-kidnap na lang eh, mas malaki ang kita, MILYON ang bayaran!" pagmamalaking sagot ni Goryo.
"Gago! Tangina mo talaga eh. Mangkikidnap ka? Tapos pag nahuli ka? Anong mangyayari sa amin ng anak mo? Gago ka talaga! Magisip ka nga! Ungas ka!" sambit ni Natalia, isang dating GRO na ngayon ay bugaw na sa may Circle, habang nagpapadede sa limang buwang sangol.
"Teka nga! Eh pera natin yung pinaguusapan dito eh, yung pinamigay sa mga gobernador na daang libong piso." Sabat ni Mang Tikyo sa nagiinit na bangayan ng mag-asawang Goryo at Talia.
"Ay naku Mang Tikyo! Hindi natin pera yon! Pera ng mga taong nagbabayad ng buwis iyon." sagot ni Pingas, Iskolar sa PUP, isang aktibista.
"Pera natin o sa kanila man yon eh, hindi dapat pinamimigay sa mga taong hayok sa pera! Sa mga kurakot na mga walang hiya!" Sagot ni Mang Tikyo. (Itutuloy)

No comments: