October 30, 2007

Trust Mr. White

"...condoms won't protect your heart, that latex won't stop human papilloma virus..."
"We're walking a tightrope; one side wants us to apply for the money, and the other says, 'Don't you dare..."
"Hoy kumare ano daw?" sabi ni Berta kay Natalia
"Malay ko, tungkol daw sa mga contraceptives, ang tamang pag gamit at para daw wag ng lumobo ang populasyon natin."
"Aba! Tama yan. Para naman wag ng maging basketbol team ang bilang ng anak ko. E tuwing lasing na lang ang kumpareng Jonas mo eh,... patay patay na naman. Aarangkada na naman ang jeep para maka boundary." sagot ni Berta sa kumare.
"Buti ka nga pag lasing lang eh, eh ung kumpareng Goryo mo. Naku! pag nagiinit ang singit eh ayon kailangan ng maligo at magpabango kung hindi bugbog ang abot ko sa hinayupak na yon."
"Ito na pala si kumareng Ida eh." sambit ni Berta
"Hoy gaga, aba makinig ka dito at kumuha ka ng supply mong condom at pills para naman d ka na mabuntis ulit" Sambit uli ni Berta
"Tangina. ano gagawin ko dyan? Paglalaruan lang ng mga anak ko yang condom na yan. At hindi na ko mabubuntis. Baldado na ang kalahati ng katawan ng kumpare nyo. Hindi na nga nabubuhay eh." Sagot na patawa ni Idang.
"Gaga ka talaga mare! Pinagtatawanan mo pa si kumpare." Sabi ni Natalia
"E bakit ka ba napadpad dito sa plaza?" Tanong ni Berta.
"Oo nga pala. Nakita nyo ba ang anak kong gago na si Miguel? Ptaragis na batang yan eh dalawanag araw ng hindi umuuwi. Walang nagaalaga sa tatay nyang palamunin na pahirap pa!"
"'Wag mo namang maxadong kawawain yung anak anakan mo!"Sagot ni Talia.
Nagpatuloy sa paghahanap si Ida sa nawawalang anak anakan at pati na rin ang talumpati ng mga NGO sa plaza tungkol sa Family Planning.
At Dumating na nga si Mr. Wilbur White, ang kanong taun-taon na bumibisita sa may Payatas upang mamigay ng condom at pills. Pinagkaguluhan siya ng mga bata para makahingi ng mga lobo na may pampadulas. Malugod naman silang sinalubong ng ngiti ng banyagang namimigay ng lobong madulas.

Barangay Election's Aftermath


The votes have been casted and results were revealed.
Who won? I don't care.
The question now is who's gonna clean your trash?

October 16, 2007

Ang Umpukan sa Tinadahan ni Aling Tinay

Usap-usapan sa labas ng Batasan, sa may tindahan ni Aling Tinay ang naganap na bigayan ng pera sa MalacaƱang. "Limang daang libong piso daw ang pinamigay sa mga gobernador ha!" sabi ni Mang Tikyo kay Aling Tinay na abalang nakikipagkwentuhan din sa kanyang mga amiga.
"OO nga eh, nakalagay lang daw sa supot. Tang inang yan! Hindi ba nila alam na madaming naghihirap sa Pilipinas?" sabat ni Goryo, isang mandurukot sa kahabaan ng Avenida.
"Eh bobo ka pala eh! Magsumikap ka kasi para umahon ka sa kahirapan!" sagot ni Aling Tinay.
"Bakit? Nagsusumikap naman ako ha? Aba mahirap maghanap ng makukulimbat ngayon ha!"
"May nagyayaya nga sa akin na mang-kidnap na lang eh, mas malaki ang kita, MILYON ang bayaran!" pagmamalaking sagot ni Goryo.
"Gago! Tangina mo talaga eh. Mangkikidnap ka? Tapos pag nahuli ka? Anong mangyayari sa amin ng anak mo? Gago ka talaga! Magisip ka nga! Ungas ka!" sambit ni Natalia, isang dating GRO na ngayon ay bugaw na sa may Circle, habang nagpapadede sa limang buwang sangol.
"Teka nga! Eh pera natin yung pinaguusapan dito eh, yung pinamigay sa mga gobernador na daang libong piso." Sabat ni Mang Tikyo sa nagiinit na bangayan ng mag-asawang Goryo at Talia.
"Ay naku Mang Tikyo! Hindi natin pera yon! Pera ng mga taong nagbabayad ng buwis iyon." sagot ni Pingas, Iskolar sa PUP, isang aktibista.
"Pera natin o sa kanila man yon eh, hindi dapat pinamimigay sa mga taong hayok sa pera! Sa mga kurakot na mga walang hiya!" Sagot ni Mang Tikyo. (Itutuloy)

October 13, 2007

Ang Rally sa Commonwealth at ang Chickenjoy

Sa Pagpapatuloy,
Ala-sais ng umaga ng dumating si Miguel sa Commonwealth, kaunti lang ang tao kesa sa inaasahan ng mga pulis na nakabalandra sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Sinimulan ng ipamigay ang mga streamers at kung anu-ano pang mga paraphernalia na pang rally. May mga maliliit din na mga papel kung saan nakalagay ang mga dapat isigaw ng mga rallyista. Madami ring bata ang nagkalat, namimigay ng kung anu-anong papel, pampadami daw ng kalat, para mabigyan sila ng trabaho, kahit tigalinis lang ng mga kalat. Pantawid gutom din yun.
Laking pasalamat ni Miguel ng mapayapang naidaos ang kanilang rally, dahil sa ilang rally na nasalihan nya na, kung hindi binasa ng tubig eh bugbog sarado sila sa mga tarantadong pulis na walang alam gawin ay ang lumabag sa "human rights law" na dapat na sila ang nagpapatupad.
Hapon na ng nakarating sa bahay si Miguel. Dala ang 75 pesos at ang tatlong kilong bigas at ilang delata na galing sa kampo ni Erap. At nagsimula uli bumirada ang bibig na mala ArmaLite ng madrasta niyang si Ida.
"Ito lang? maghapon kang wala sa punyetang bahay na 'toh at wala ka ng dalang iba? Bigas at delata? Maghanap ka naman ng iba pang makakain? 14 tayo sa bahay na 'to. Walang hiyang buhay 'to oh." Pasigaw na salubong ni Ida kay Miguel.
Alas-otso ng gabi ng umalis siya ulit sa kanila bahay. Magsasara na kasi ang mga fastfood chains at madaming mga tirang pagkain sa basurahan pagkakaguluhan uli ng mga sikmurang butas. Kelangan maaga siya sa tambakan para makarami at para hindi maubusan. Swinerte naman siya ng makakuha ng 4 na balot ng Chickenjoy, buto na nga lang at may kaunting laman ngunit pwede pang lutuin at gawing adobo.
Madaling araw na at naghahanap pa rin ng makakain si Miguel, sumisigaw at nagmamaka-awa na ang kanyang sikmura na kanina pang walang laman. Tinitiis ang gutom para lang may mapakain sa pamilyang walang inatupag na makipagchsmisan sa kapitbahay, gumawa ng anak, sumigaw, at mag utos ng mag utos sa pobreng nilalang na si Miguel.
Limang taon ng ganito ang buhay ni Miguel. Sanay na siya sa mga dakdak ng kanyang madrasta. Sa mga sampal nito pag walang naiuuwing pagkain, at sa mga mura na natatangap nya dito araw araw.

October 12, 2007

Si Juan Miguel Ambrosio De Castro Y Gago

"Dear Diary,
Ngayon ay ika-12 ng Oktubre ng taong 2007,..."
"Tae ng kalabaw...kala ko tsokolate. Putres na!..."
"JUAN MIGUEL AMBROSIO DE CASTROOOO!!!!!!!!"
"GAGO ka talagang batugan ka! Gumising ka nga dyan at huwag kang gumaya sa tatay mong walang hiya na walang alam gawin ay magtanim ng punla sa hiyas ko at gugulpihin ako pag namulaklak!" Pasigaw na bulyaw ng madrasta ni Miguel sa kanya upang magising sa mahimbing na pagkakatulog.
Gising ang panglabas ni Miguel ngunit pagod at tulog ang wisyo ni Miguel. Nakatanaw sa kawalan si Miguel habang binubulyawan ng madrastang kabwanan na sa pang-siyam na anak sa tatay ni Miguel.
Naghilamos at nagmadaling umalis ng bahay habang patuloy pa rin sa pagbulyaw ang madrasta niya. May rally daw sa may Commonwealth. Doon ang punta nya sa araw na yon. Ibababa na daw ang sentensya ni Erap kaya't kelangan nila ng madaming tao na magrarally. 75 pesos ang bayad at may libreng 3 kilong bigas at ilang delata. Pantawid gutom na nila un sa loob ng isang linggo.
Si Miguel na ang tumayong breadwinner ng maparalisa ang tatay nya, limang buwan na ang nakaraan ng atakihin ito sa puso. Nakatapos lang ng grade three si Miguel. Nahinto siya sa pagaaral ng mamatay ang kanyang ina nang nabaril ito ng pulis ng nagnakaw ito ng isang lata ng gatas para sa bunso nyang kapatid noon.
Nag-asawa uli ang kanyang ama tatlong buwan makalipas ang pagkakalibing ng kanyang ina. Delubyo ang dala ng kanyang madrasta. Si Imelda Purutoy. Dating Ms. Barangay na naging GRO sa may bar sa may Quezon Avenue. Doon siya nakilala ng tatay ni Miguel. Matalas ang dila ni Ida, mata lang ang walang latay pag bumirada na ang kanyang dila na mala-armalite. (Itutuloy)