After 15 days eh nagalaw ko uli ang multiply.(Tamad lang ako magsulat! Wala rin naman kasing kwenta at wala ring nagbabasa!haha)
Last saturday napadaan ako ng Commonwealth Avenue, sa may QC po ito para sa kapakanan ng ibang d nakakaalam. Lagi kasing nababalita ang pila ng NFA rice dito, pero d un ang sadya ko dun, papunta kami ng novaliches. Pangalawang beses ko ng dumaan dito ng magsimulang kumalat ang balitang rice shortage. Nung unang beses aba may pila nga sa NFA(that was 2 weeks ago). Aba last saturday eh walang kapila pila sa NFA. Nagdidiet na kaya sila? O praning lang ang mga tao kaya nagsisipila sa NFA rice? In fairness masarap ang NFA rice.haha kaya kami pumipila na rin sa NFA eh.haha Mas masarap pa xa sa bigas na ani namin sa aming munting palayan.
At matipid ang NFA rice. ang isang kilong commercial rice ay isang saingan lang para sa let's say 4 na katao na d matakaw, eh ang isang kilong NFA rice eh pwedeng isaing para sa 12 katao dahil kelangan nito ng madaming tubig para isaing.dba matipid? kaya sa NFA rice na tayong lahat! Mura na! Matipid pa!
April 29, 2008
Pabili po ng NFA rice!
Posted by
ryan padilla
at
Tuesday, April 29, 2008
0
comments
Limang Bilyon Para sa Naghihirap na si Juan
Limang bilyong piso ang inilaan para sa 300,000 pamilya na nasasadlak sa matinding kahirapan sa bansa. Limang bilyong piso na ipapamigay sa mga pamilya na magpupunta sa mga Health Centers sa kanilang mga bayan para magpa-konsulta at sa mga batang papasok sa mga paaralan(bokod pa dito ang isang kilong bigas araw araw sa pagpasok ni Juan Jr. sa kanyang paaralan.).
Limang daang piso ang ipina-pangakong halaga na ibibigay sa mga magulang para lang magpatingin ang buong pamilya sa mga Centers. At 300 naman kay junior kung makakakumpleto siya ng 85% ng total attendance na itinakda sa eskwelahan niya.
Pantawid gutom na solusyon ito ng pamahalaan para lang may makain ang pamilya ni Juan araw araw. Srtehiya na rin siguro ito ng pamahalaan para makasigurado na lahat ng pamilya ay malulusog at malalayo sa mga karamdaman. At ang bawat batang Pilipino ay pumapasok sa paaralan.
Kaso pano pag naubos ang limang bilyong pisong pondo na ito? San pupulutin ang pamilya ni Juan? Pano sila kakain kung umaasa lang sila sa rasyon ng pera sa Center at sa eskwelahan?
Madami ang mahihirap at taun-taon ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga taong ito. Magandang sagot yan sa kahirapan. Bigyan ng pera ang mahihirap para may makain sa araw-araw. Kaso panandaliang sagot lang yan sa tumitinding krisis ng gutom at kahirapan sa bansa. Kulang ang Pilipinas sa trabaho. 400,000++ ang nagsipagtapos ngaun sa kolehiyo at 64,000++ lang ang trabahong naghihintay sa kanila. Pano na ang mga masa na d nakapagtapos? Aasa na lang ba sila sa rasyon ng pera at bigas sa gobyerno?
Hindi Limos ang kelangan ng mga Pilipino. Naghihirap ang mga Pilipino pero wag mong ipamukha sa kanila na "ito ang limos na 500 at 300 para makakain kayo araw-araw". Turuan mo silang mamingwit ng isda sa dagat. Huwag ang isda ang lalapit sa kanila.
Kaso mas gusto ng gobyerno ang ganitong sistema. 5 bilyong piso para sa naghihirap at tig-limang bilyong piso rin sa bawat bulsa ng mga taong walang ginawa kundi kumain ng litson at caviar.
Hangang pangarap na lang ba si Juan na maka-ahon sa kahirapan? :)
Posted by
ryan padilla
at
Tuesday, April 29, 2008
0
comments
April 14, 2008
PLEASE READ! (A message from a mother with a special child)
WALA KANG UTAK AT PUSO PAG DI MO BINASA ITO!
This message was forwarded to me by Tita Cel thru friendster. D naman lingid sa karamihan na may kapatid akong special child na madalas kutyain at pagtawanan ng mga taong walang puso at walang utak. Biniyayaan ka nga ng utak na matino pero d mo naman ginagamit ng tama.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
FW: THOSE WARM SMILES ARE PRECIOUS
Original message from IKORSKEI:
> Hi, i would like to invite you to please join our group the SPECIAL PARENTS AND FRIENDS' OF KIDS W/ SPECIAL NEEDS.
>
> It's really challenging to have a child born to have or have acquired a need/s that should be specially addressed.
>
> The bills for therapy sessions, developmental pedias, specialists would pile up like plates, not to mention sometimes it could be heart-wrenching like seeing my child trying his best to do tasks as if his future would depend on it. And the questioning stares of others, hurtful side glances, even smiles that I'm sure weren't meant for a warm prelude to friendship.
>
> Let me share with you a story: Me and my son was having a snack in a fast food chain near Makati. He wasn’t able to finish his meal so he told me he would ask 'ate' from the counter for a plastic bag. I was proud at that time for his initiative and confidence. So he went to the counter. He told the service crew from the counter for a plastic bag, but I guess my son was not clear on producing the ‘s’ sound (for which he was having a lesson on speech therapy) inconsiderately, the girl laughed! She made my son repeat the words and was still laughing. Helpless, she asked the next girl from the counter to help her ‘decipher’ what was that my son was asking .and I guess the words came clearer for the second girl she gave my son the plastic bag. I was looking throughout the incident, I knew my son’s confidence and the girl’s attitude would not deter him for accomplishing a simple task and so I watched, pained.
>
> How many are out there, like the girl in the counter who would laugh at a special child’s slurring words? and how many are out there, like the second girl from the counter who would look still, encouraging in a special child’s eyes and try to understand? Not many.
>
> Help them understand. Help others know that an encouraging look, a warm smile, a small tap in the shoulder, a steady hand to offer would mean a lot to a child with special needs. It is the belief of others that would make them confident to go on and a chance to make their lives a better place to play, laugh, sing, dance…even though others would judge but there will be a lot like us that understands and believes and that is all will matters.
>
> Please join and be a friend to children with special needs. The next time you’ll see one offer a smile and you’ll see an angel smiling back at you.
>
> Sincerely, Ycor (mom of a cheerful child with special needs)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Join us spread the word. Make them feel that they are indeed special.
Posted by
ryan padilla
at
Monday, April 14, 2008
0
comments