November 20, 2007

Pagkawala ni Miguel at Ang Kwento ni Idang

Dalawang araw ng nawaala si Miguel. Walang nakapagsasabi kung nasan siya.
Walang nakakita.
Walang nakakaalam...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kahit hindi aminin na siya ay naga-alala sa batang ni minsan ay di niya pinakitaan ng maganda, bakas sa mga mata nito ang matinding paga-a-alala. Hindi siya mapakali sa kaiisip kung ano na ang nangyari sa munting pobre.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bata pa lang si Ida ng maharap sa hamon ng buhay.
Lumaking ahon kahit papano sa hirap ang pamilya ni Ida. Isang pulis Tondo ang ama niya, samantalang isang sugarol ang ina nya. Halos lahat ng luho ay kahit papano ay naibibigay ng kanyang ama.
Laruan.
Damit.
Kahit ano pa man ang hilingin ay ibibigay nito sa unika ija niya. Ngunit siya naman ang kabaliktaran ng kanyang ina. Halos isuka siya nito at kinamumuhian.
Anak sa pagkadalaga si Ida.
Na-rape ang kanyang ina at siya ang naging bunga. Lumaki siya ng walang ama. Hanggang nakilala siya ni SPO2 Victor Angeles. May asawa ito ngunit pinagkaitan ng anak. Napamahal na sa kanila ang batang gusgusin at puro pasa.
Pinakain.
Binihisan.
Ngunit damitan man siya ng maganda ng kanyang bagong pamilya, binibenta lang ito ng kanyang ina. Para lang may maipang-sugal.
Namatay sa aksidente ang kanyang bagong pamilya.
Wala na siyang tatay, nawalan pa ng mapagmahal na ina.
Pasko noon ng may isang lalaki ang naghahanap ng bata, handang bayaran kahit magkano. Dali dali naman ang kanyang ina na ibinugaw ang anak sa matandang lalaki ng manyakis.
Labing apat na taong gulang siya, nawala ang kanyang pangarap, pati ang dangal na tanging kayamanan niyang natitira, gumuho na lahat ng mga sandaling ginagahasa siya ng lalaking matanda.
Walang magawa ang batang Ida kung hindi umiyak lang ng umiyak.

No comments: