August 27, 2007

Pagtanaw sa buhay ni ryan padilla(Casa at Grade School)

Pag balik tanaw sa 20 taon na buhay ni ryan padilla sa mundong ibabaw.
pinganak sya noong august 4 1987, nagsimula siyang magaral noong 2 1/2 years old siya bilang saling pusa sa isang day care center sa may Brgy Highway Hills sa may Mandaluyong. Lumipat sila at namundok sa bulubunduking angono ng siya ay 3 taon, at doon nagsimula ang panibagong paglalakbay nya. Nagsimula siya bilang isang ganap na magaaral sa St. Martin Montessori School, doon nya kinabisa ang tamang pagkulay, ang iba't ibang parte ng mga hayop, palaka, pagong at kung ano ano at sari saring mga gumagapang, lumalangoy at lumilipad na hayop. Kaso nung ako ay nasa JC2 eh may slight accident na nangyari sa foundation day ng aming munting eskwelahan. Medyo inantok ako kaya ung candle na hawak ko ay d ko namalayan na napunta na sa long black hair ng aking kaharap na babae, sorry! D ko maalala kung sino ka pero sorry ha!
Pero after 3 years in the Casa department, I have to move to the second floor of the same school. Wow Grade 1 na ako! Nauso na ang mga bag na may wheels, so dapat makisabay ka sa uso. Kaso muntikan ng i-ban sa school ang mga "wheels" dahil nabubulabog ang mga kuliglig sa pader. At muntikan na ring may maaksidente dahil sa mga "wheels" na ito dahil naguunahan sa pagbaba ng hagdan,sayang walang nabagok ang ulo. lumipas ang isang taon at grade two na ako sa wakas. At dito nagsimula ang karumaldumal na pangyayari sa buhay ko. I was traumatized about what happened to me and my Filipino class teacher. We we're so noisy pero tama bang ako lang ang lagyan ng Elmer's Glue sa bibig? He's so unfair, sorry She na pala siya ngayon. After noon, lalo akong umingay lalo na sa class nya.
Every quarter na lang ay aabangan namin ang pagpost sa top 5 students per section! Never akong napasama sa top 5 ng section namin pero happy na rin ako pag nababangit ako na part ng top ten.
Grade three ang simula at ang pagtatapos ng mga bagong bagay bagay sa buhay ko. Nagsimula na akong gumamit ng ballpoint pen. Yahoo! Pumayag na ang aming teacher na gumamit kami ng mga ballpen sa pagsusulat ng notes na galing din naman sa mga libro. (Hanggang ngayon hindi ko maintindihan bakit kelangan isulat ang laman ng libro sa notebook. At kelangan mo rin parehong dalhin pareho araw araw.) Nalaman ko rin na hindi pala lahat ng tao ay mabait, nakilala at nakaharap ko ang "bullies", ang mga taong "buraot", mga bata palang buwaya na at nanghihingi ng pera para mabuhay sa eskwelahan. At nakilala ko rin ang magiging kaaway ko sa tatlong taon na nalalabi ko sa grade school. Isang teacher ulit na mas malupit, at mas karumal dumal. At isa uli siyang Filipino teacher, ngunit ngayon isa na siyang ganap na babae. Kung may "Teacher's Enemy No. 1" eh siya ang "Student's Enemy No. 1". The most hated at kulang nalang sunugin namin siya ng buhay. We even called her names such as demonyo at halimaw.
Tapos na ako sa panahong naka shorts ako. Oh yes! Nasuot ko na ang kauna unahang pantalon ko, at another floor na papanikin. Grade four, five at six. Nadagdagan ang kaaway at siyempre mas dumami ang kaibigan.
Grade five ng isumpa ko ang favorite teacher ko dahil pinalabas ako ng classroom at ang isa ko pang kaibigan dahil maingay daw kami. Kasalanan ba namin yon? May pumalit sa pwesto niya bilang favorite teacher ko, ang aming English teacher na laging absent dahil sa kanyang sakiting anak. Grade 5 din ng unang beses ako mapasok sa "principal's office" dahil tindyakan ako sa dibdib ng aking kaklaseng bully, kawawa naman siya kasi muntik ng masuspend. Bago mag tapos ang SY eh pinaglinis kami ng mga upuan at lamesa, madudumi na daw kasi.
Grade six, same old routine. Nagsimula rin ang Path Finding Crash Course namin. CAT at ROTC para sa mga bata. Pina-squat kami ng matagal na nakabilad sa matindin init ng araw. Mga taong hindi na naawa sa mga bata! Grade six din ako ng matuto na mag-commute. Sa katangahan kong mag-commute ay pinara ko ang jeep na malayo pa sa aking bababaan, kaya naman naglakad pa ako ng kaunti para makasakay ng tricycle. Doon ko nalaman na mahirap pala mag commute.
Graduation na! Yahoo! Tapos na ang delubyo! High school na ako sa susunod na pasukan!...

No comments: