August 29, 2007

Yahoo! Highschool na ako sa wakas! (Part 1)

Unang araw ng pasukan, kakaiba ang araw na ito dahil sa unang pagkakataon ay afternoon sched ang nakuha ko. Sariwa pa rin sa ala-ala ko ang unang beses akong mag-commute kaya naman patuloy pa rin ang paghatid at pagsundo sa akin ng aking munting service na tricycle. Bago lahat ng aking mga guro,yong iba nakita ko na dati sa may canteen, pero di ko sila ganoon kakilala.
Pinapila kami para hanapin ang aming mga section. Madami rin pala akong classmates dati, kaya ok lang. Kaso nakakaantok pala ang pang-hapon.
May bago akong enemy noong highschool. Ano pa nga ba, eh d teacher ulit, at Filipino teacher uli siya. D ko alam what's with Filipino teachers pero they irritate me so much. Siya na ang pinakamalala kong kaaway na teacher sa mga panahong iyon dahil gumawa talaga ako ng paraan para matanggal siya, unfortunately d siya natanggal pero napa punta naman siya sa principal's office. Kaso after noong school year eh nabalitaan ko na nag resign na siya.
Second year ay panghapon pa rin ako. Wala na ang teacher na napa-principal's office ko. Kaso may bago akong kaaway na teacher. Ang dati kong favorite teacher ngayon nasa watch list ko na. Sa sobrang tahimik ko sa eskwelahan eh tama bang pagbintangan ako? Kaso nung napunta kami ng HS Coordinator's Office eh, natakot siyang humarap sa akin kasi kasama ko ang taong tunay na may sala sa krimen na ibinintang niya sa akin. Katangahan nya eh, gumawa siya ng gulo pero d naman niya kayang panindigan. Kawawang guro, yan tuloy karma nya ang pagkakaron ng sumpa na hanggang ngayon kakabit pa rin ng ilong nya. May "pimple" siya sa ilong na sobrang laki na mukha ng PIGSA sa laki at sa pula! PIGSA NA TINUBUAN NG ILONG.

August 27, 2007

Pagtanaw sa buhay ni ryan padilla(Casa at Grade School)

Pag balik tanaw sa 20 taon na buhay ni ryan padilla sa mundong ibabaw.
pinganak sya noong august 4 1987, nagsimula siyang magaral noong 2 1/2 years old siya bilang saling pusa sa isang day care center sa may Brgy Highway Hills sa may Mandaluyong. Lumipat sila at namundok sa bulubunduking angono ng siya ay 3 taon, at doon nagsimula ang panibagong paglalakbay nya. Nagsimula siya bilang isang ganap na magaaral sa St. Martin Montessori School, doon nya kinabisa ang tamang pagkulay, ang iba't ibang parte ng mga hayop, palaka, pagong at kung ano ano at sari saring mga gumagapang, lumalangoy at lumilipad na hayop. Kaso nung ako ay nasa JC2 eh may slight accident na nangyari sa foundation day ng aming munting eskwelahan. Medyo inantok ako kaya ung candle na hawak ko ay d ko namalayan na napunta na sa long black hair ng aking kaharap na babae, sorry! D ko maalala kung sino ka pero sorry ha!
Pero after 3 years in the Casa department, I have to move to the second floor of the same school. Wow Grade 1 na ako! Nauso na ang mga bag na may wheels, so dapat makisabay ka sa uso. Kaso muntikan ng i-ban sa school ang mga "wheels" dahil nabubulabog ang mga kuliglig sa pader. At muntikan na ring may maaksidente dahil sa mga "wheels" na ito dahil naguunahan sa pagbaba ng hagdan,sayang walang nabagok ang ulo. lumipas ang isang taon at grade two na ako sa wakas. At dito nagsimula ang karumaldumal na pangyayari sa buhay ko. I was traumatized about what happened to me and my Filipino class teacher. We we're so noisy pero tama bang ako lang ang lagyan ng Elmer's Glue sa bibig? He's so unfair, sorry She na pala siya ngayon. After noon, lalo akong umingay lalo na sa class nya.
Every quarter na lang ay aabangan namin ang pagpost sa top 5 students per section! Never akong napasama sa top 5 ng section namin pero happy na rin ako pag nababangit ako na part ng top ten.
Grade three ang simula at ang pagtatapos ng mga bagong bagay bagay sa buhay ko. Nagsimula na akong gumamit ng ballpoint pen. Yahoo! Pumayag na ang aming teacher na gumamit kami ng mga ballpen sa pagsusulat ng notes na galing din naman sa mga libro. (Hanggang ngayon hindi ko maintindihan bakit kelangan isulat ang laman ng libro sa notebook. At kelangan mo rin parehong dalhin pareho araw araw.) Nalaman ko rin na hindi pala lahat ng tao ay mabait, nakilala at nakaharap ko ang "bullies", ang mga taong "buraot", mga bata palang buwaya na at nanghihingi ng pera para mabuhay sa eskwelahan. At nakilala ko rin ang magiging kaaway ko sa tatlong taon na nalalabi ko sa grade school. Isang teacher ulit na mas malupit, at mas karumal dumal. At isa uli siyang Filipino teacher, ngunit ngayon isa na siyang ganap na babae. Kung may "Teacher's Enemy No. 1" eh siya ang "Student's Enemy No. 1". The most hated at kulang nalang sunugin namin siya ng buhay. We even called her names such as demonyo at halimaw.
Tapos na ako sa panahong naka shorts ako. Oh yes! Nasuot ko na ang kauna unahang pantalon ko, at another floor na papanikin. Grade four, five at six. Nadagdagan ang kaaway at siyempre mas dumami ang kaibigan.
Grade five ng isumpa ko ang favorite teacher ko dahil pinalabas ako ng classroom at ang isa ko pang kaibigan dahil maingay daw kami. Kasalanan ba namin yon? May pumalit sa pwesto niya bilang favorite teacher ko, ang aming English teacher na laging absent dahil sa kanyang sakiting anak. Grade 5 din ng unang beses ako mapasok sa "principal's office" dahil tindyakan ako sa dibdib ng aking kaklaseng bully, kawawa naman siya kasi muntik ng masuspend. Bago mag tapos ang SY eh pinaglinis kami ng mga upuan at lamesa, madudumi na daw kasi.
Grade six, same old routine. Nagsimula rin ang Path Finding Crash Course namin. CAT at ROTC para sa mga bata. Pina-squat kami ng matagal na nakabilad sa matindin init ng araw. Mga taong hindi na naawa sa mga bata! Grade six din ako ng matuto na mag-commute. Sa katangahan kong mag-commute ay pinara ko ang jeep na malayo pa sa aking bababaan, kaya naman naglakad pa ako ng kaunti para makasakay ng tricycle. Doon ko nalaman na mahirap pala mag commute.
Graduation na! Yahoo! Tapos na ang delubyo! High school na ako sa susunod na pasukan!...

August 21, 2007

Math...What Math?

I saw a billboard of a math center in cainta saying I HATE MATH to I LOVE MATH! But for me I love math and now I'm starting to hate it.
Simpleng addition na 1+1=2 ay nagkaron ng kung ano ano pang derivation at integration. Simpleng pagkuha ng volume sa physics at ng kung ano ano pang simpleng bagay nung high school, ngayon ay komplikado na!
Why do have to make life so complicated kung ang paglanghap lang naman ng sariwang hangin at pagkain ng masusustansyang pagkain ang ikabubuhay natin?

August 16, 2007

I want a new car!

How i wish na hindi na lang sinira ung mga luxury cars sa may SBMA kaninang umaga, they have the power to make it legal naman eh,at ibenta ang mga un. Kung binenta daw ung mga kotseng un ay magkakaroon ng 10 million pesos na revenue ang ating gobyerno. 10 million ay sobra sobra pa to feed those people na nasa nasalanta ng mga bagyo, pampatayo ng paaralan(na kulang na kulang sa atin), o kaya naman idagdag sa mga sweldo ng ating mga guro sa mga pampublikong paaralan o kaya naman makakatulong un sa 10 bata na nangangailan ng maselang operasyon! Ano kaya nasa isip nyo para durugin ang mga kotseng un?