Kanina ginanap sa Ynares Center ang NDPR. Si Mrs. Fe Aquino ang isa sa mga organizers ng nasabing event kanina, at dun ko nalaman na pinuntahan pala ni Mrs. Aquino si Mayor Gatlabayan para humingi ng kaunting tulong para sa mga espesyal na bata na dadalo sa okasyon, hindi financial help ang hiningi nya, kundi maipagamit ang Antipolo Gym (AG) para sa mga bata. Tama bang isagot ni Mayor na bakit nya ipapahiram sa kanila ang AG eh nung nakaraang eleksyon ay hindi naman siya sinuportahan ng mga organizations ng mga parents ng mga special child!
Tama bang sagot yan MAYOR GATLABAYAN? Tama bang ipagdamot ang AG?
Isa pang masamang ugali ng mayor na ito ay ang pagsara ng gate ng Ynares Center kanina, ang akala ng mga organizers ay sa loob sila ng YC pupunta, napagalaman ng tauhan ni mayor na doon pala idadaos ang nasabing okasyon kaya ipagpabuti ng ating magaling na mayor na isara ang gate ng YC para sa lobby na lang makapagsaya ang mga bata! Ang speaker kanina na si Mr. Soriano ay talaga nga namang tumaas ang presyon ng dugo dahil sa kabaitan ni Mayor Victor Gatlabayan!
Nawa'y wag kang tularan ng ibang mga city and municipal mayors o kahit sino pang opisyales ng gobyerno natin Mayor Gatlabayan dahil sa ginawa mong maganda ay siguradong "pandaraya" na lang ang magiging pasaporte mo sa pagkapanalo sa susunod na eleksyon! Dahil wala ng boboto sayo Mayor!
Mabuhay ka Mayor!
Isa kang tunay na trapo na dapat ng ilagay sa Payatas!
July 20, 2007
Mayor! Mahiya ka naman!
Posted by
ryan padilla
at
Friday, July 20, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment