Ilang buwan na lang at magsasalita na ang taong bayan para magluklok ng mga tao sa senado, kongreso, at sa lokal na pamahalaan na sa tingin nila ay karapat dapat sa pwesto! Ngunit handa ba talaga tayo na magluklok ng mga lokolokong pulitiko!?!
Madami sa mga pulitiko ang bumlimbing na! Hindi na kasi sila kasama sa line up ng kanilang partido! At sa sobrang gusto talagang mangurakot...este maglingkod sa bayan eh sumama na sa partido na dati nilang binabatikos at ngayon ay pinupuri puri na nila at kulang na lang ay dalhin sa pedestal!
Madami ring mga artista na gusto na ring sumabak sa pulitika! Hindi naman sa d ako bilib sa kanila, pero mas bilib ako sa kanila sa pag arte sa telebisyon o kaya naman sa pinilakang tabing! Nasubukan na natin si Lito Lapid! At wala siyang ginawa sa senado, puro papogi lang! sa debate walang masabi, binigyan ng isang komite binawi rin! Kasi naman walang pinatunguhan yung komite na binigay sa kanya!
Si Manny Pacuiao tatakbo na rin bilang mayor! Pero mas gusto nya yatang maging congressman!
'D ko na alam kung san patungo ang ating senado at kongreso! Mukhang malapit ng tawagin ang mga session hall na SINEHAN!
February 9, 2007
Y Vote?: Ang Prutas na BALIMBING! BOW!
Posted by
ryan padilla
at
Friday, February 09, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment