January 6, 2007

Mahaba-habang lakaran 'to

august 15, 2006 bandang 7-8 ng umaga, umuulan at prelims...ng masira ang aking pinaka mamahal na lrt line 2...d ko pa alam na sira yon kaya bumaba pa rin ako ng jeep at nagtataka kung bakit maraming pasahero na nakakalat sa kalsada, nakakalat meaning they occupy half of the road, at 6 lanes un!...madaming nagaabang ng masasakyan...napagalaman ko na nasira nga ang lrt dahil na-kidlatan ang cable nito sa katipunan...nagabang din ako ng ilang minuto para makasakay...kaso lahat ng pampasaherong jeep at fx ay puno...walang gustong bumaba...kaya't naglakad-lakad ako para maunahan ko ang iba na makasakay...kaso napagisip-isip ko walang mangyayari sa akin kung maghihintay lang ako doon para makasakay...kaya't tinuloy ko na ang lakad ko...hanggang sa makarating ako ng katipunan...around 2-4 kilometers ang nilakad ko ng umagang yon...buti na lang sumabay ako kila mommy ng umagang yon kung hindi nalate ako...mukhang wasted na ako...umuulan pero puno ng pawis...parang gripo nga ang mga sweat glands ko eh...nakasakay ako ng jeep sa katipunan papuntang anonas station...nakatayo pa rin ako kasi puno na...madaming nakajaket...habang ako ay nagpapaypay at nagpupunas ng pawis...dumating ako ng ust ng 11:00...nakasalubong ko ang dalawang kaklase ko...at sa kanila ko napagalaman na...walang exam...pinostpone...kinansel...inilipat ng date...next week na daw...napamura ako sa galit...pero sabi ko sa sarili ko...ok na rin un...d kasi ako nagaral...laking pasalamat ko at d natuloy ang exam...pero may natutunan din ako sa paglalakad kong yon...at may nalaman pa ako sa nakararaming mga pilipino...madaming naghihintay sa santolan station para makasakay...tulad ng madaming pilipino...tayo ay nagaabang ng pagbabago sa ating mahal na bansang pilipinas...pero tulad nga ng mga tao sa lrt...nakatayo lang tayo...walang ginagawang paraan para sa ikauunlad ng ating bansa...hinihintay nating may bumaba sa jeep para tayo ay makausad...kung lahat tayo ay naglakad...sa tingin ko...umusad na tayo...ang problema sa atin...umaasa tayo sa mga taong inihalal natin sa pwesto para sa minimithi nating pagusad...kaso tayo nakatayo...nakaupo lang...kelangan natin maglakad minsan para makausad...at wag laging i-asa sa tren para tayo makarating sa ating gustong puntahan...

No comments: