NABUNDOL NGUNIT KULANG
ito ang isang uri ng eksena kung san may naghahabulan sa kalsada na nagaway (mag-syota kadalasan) at biglang may darating na sobrang bilis na sasakyan at mabubundol ang isa sa lead cast. Sa In My Life, pelikula nila Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano, nabundol sa isa sa mga eksena si Luis. Pagkalabas ni Luis sa sinasakyang taxi ang siya namang sulpot ng isang mabilis na pampasaherong bus. Siya rito ay namatay. Ngunit hindi laging ganyan ang mga eksena. Kadalasan, hinahabol ni Actor A si Actor B, tatawid sa isang kalsada at biglang may darating na mabilis na sasakyan. Titilapon si Actor A, lalapitan ni Actor B, iiyak at isisigaw ang pangalan ni Actor A. ngunit hindi pa dyan nagtatapos ang kwento. May malay tao si Actor A. Unti unting didilat ito at sasabihin ang madramang linya niya para kay Actor B. Isa ito sa kadalasang eksena sa TV, kung san hindi kapanipaniwala. Sino ba naman ang normal na tao na pag nabangga ng sasakyan, titilapon, wala man lang galos at dugo, may malay tao pa?
DEAD OR ALIVE
Isa sa kadalasang paglagyan ng katawan ng patay ay ang car trunk. Ngunit hindi lagi patay ang nilalagay dito. May mga pagkakataon na buhay ang nilalagay, mga hostage at mga nagtatago sa mga pulis sa check point. Sa 2007 movie na Hairspray, itinago si Nikki sa loob ng car trunk upang makatakas sa bahay kung san siya nakakulong, ilang sandali lang lumabas na rin siya. May mga TV shows naman na naglalagay ng hostage sa loob ng car trunk, will then take the victim for a very long ride until,they reach their hiding spot. Fortunately, the victim is safe but unconscious. But how safe is this TV antic? A car emits CO2 gasses that can kill you in no time. Sa isang lugar kung saan masikip, walang ventilation, at sandamukal ang init, sa tingin mo hindi mamatay ang biktima pag dun mo inilagay?
HAPPY FOUNDATION DAY
SOP sa mga ospital na pag nagdala ka ng patient ay tatangalin ang make up nito at mga nail polish lalo na kung delikado ang lagay nito. Ngunit, may mga eksena sa telebisyon na sadyang naka full make up ang mga inooperahan. naka nail polish habang may clip na nakakabit sa finger tip nito. Hindi ba alam ng director na sa kuko unang tinitingnan kung maputla ang isang patient? Pangit nga naman tingnan kung walang kulay ang kuko sa TV, pero pwede naman na huwag matingkad na pula ang kulay ng kuko dba?
-----
ito ay ilan lamang sa kapansin pansin na kapalpakan ng mga tv series. para san pa ang pagreresearch kung ganyan din lang ang kakalabasan?:)