May 16, 2008

golf game, kontrata atbp...

natatandaan ko pa sabi ng golf instructor ko dati. madami daw benefits ang paglalaro ng golf sa isang tao.
una. magandang exercise. pangalawa. magandang social activity. pangatlo. pag nasa isang kompanya ka at gusto mong sumipsip sa boss mo. alamin mo ang golf sked nya at dun ka rin maglaro. pang-apat. makakatagpo ka ng mga maiimpluwensyang nilalang sa golf course. pang-lima. pag gusto mong madikit sa girl na gusto mo, itreat mo xa sa isang golf game at turuan mo xang mag swing. at ang huli. maganda ang golf sa mga kontrata. dahil after the 18th hole eh sure na sure ng pirmahan ng kontrata ang kasunod. madaming nagaganap sa golf course na hangang golf course lang at d maaring lumabas.
-------------------------------------------------------------------------
wala lang naisipan ko lang magsulat dahil nasa balita ang isang pagtitipong naganap sa isang golf course sa china.(nakakamiss rin palang maglaro nito 8 months na akong d nakakapaglaro.)

May 8, 2008

kuryente, atbp.

Tumaas ang kuryente namin ngaung buwan kasi maghapon at magdamag naka bukas ang aircon. Kung itatake over ng gobyerno ang meralco, bababa kaya bill namin sa kuryente? bakit ba maxadong interesado ang gobyerno na makuha ang meralco sa mga lopez?dahil ba kritiko ng administration ang pamilyang lopez?
bakit parang natatabunan na ang isyu ng kakulangan sa bigas sa ating bansa?
wala na bang nagugutom at madami na bang bigas na makakain ang mga tao?mabubuhay naman yata ang mga tao kung walang kuryente eh.bakit d muna isantabi yang isyu sa kuryente at magtuon kayo ng pansin sa pagpaparami ng pagkain sa pinas?

isang masayang thursday!

After 5 days ng walang telepono at internet connection. Sa wakas naayos na rin ng pldt ang linya sa aming lugar!haha