May 19, 2007

The 2007 Midterm Elections

After masira ng computer ko sa loob ng isang buwan...i'm finally back!
Last monday was the 2007 local and national elections and it was my first time to vote. Naging madali naman ng paghanap ko sa precinct na pagbobotohan ko. Kaso pagpasok ko palang sa eskwelahan kong pagbobotohan ay kapuna puna ang daming tao sa labas nito, nagmukha na ngang palengke sa ingay at sa dami ng tao, kaso ang binibenta balota, at nagkalat din ang sample ballots sa sahig! At sa mismong station kung saan mo maaring itanong ang iyong precinct number ay nagkalat ang mga candy na pinamimigay ng isang party list group na tumatakbo. Thirty meters away dapat ang layo ng presinto sa mga kainan kaso iba't ibang mga politiko ang nagtayo ng mga kainan sa loob, kahit na may bayad ang mga pagkain at inumin nila eh lumabag pa rin sila sa batas! Hindi naman mukhang tanga ang mga kandidato sa amin, kaso mga makakapal na talaga ang mukha para lang makasamsam ng pondo ng bayan! Pati batas ay lalabagin para lang manalo at "maglingkod sa bayan"(daw!).