It's been years since I last opened my blog, my phone has tons of notes in it that is blog posting worthy, more on the usual side of me of course. This year, I'll launch my newly redesigned blog. It will feature food, travel and more foods! and of course my very own CUPCAKES!!! The Trash is now ready to be served!!! :)
October 31, 2013
That little lazy kid from the 7th block.
Posted by
ryan padilla
at
Thursday, October 31, 2013
1 comments
August 1, 2011
TV Antics
NABUNDOL NGUNIT KULANG
HAPPY FOUNDATION DAY
SOP sa mga ospital na pag nagdala ka ng patient ay tatangalin ang make up nito at mga nail polish lalo na kung delikado ang lagay nito. Ngunit, may mga eksena sa telebisyon na sadyang naka full make up ang mga inooperahan. naka nail polish habang may clip na nakakabit sa finger tip nito. Hindi ba alam ng director na sa kuko unang tinitingnan kung maputla ang isang patient? Pangit nga naman tingnan kung walang kulay ang kuko sa TV, pero pwede naman na huwag matingkad na pula ang kulay ng kuko dba?
-----
ito ay ilan lamang sa kapansin pansin na kapalpakan ng mga tv series. para san pa ang pagreresearch kung ganyan din lang ang kakalabasan?:)
Posted by
ryan padilla
at
Monday, August 01, 2011
0
comments
April 17, 2011
I'll always be a Child.
I downloaded The Diary of a Wimpy Kid movie last month and decided to watch the first five minutes of it. Some said that the movie is quite different from the book, so I decided the next day to buy the whole book series: read it, before watching the whole flick. I ended up loving the whole series and the movie. Both versions are entertaining. but I love the book more than the film, and next week, 23rd of April, the 2nd movie of the book series will be released, I'm excited to watch it! :)
Posted by
ryan padilla
at
Sunday, April 17, 2011
0
comments
February 24, 2010
nabuhay ang blogger
nakalimutan kong may blogger account nga pala ako, maxado na akong naadik sa paglalaro sa facebook. :) election period kaya mabubuhay muli ang account na ito.:)
Posted by
ryan padilla
at
Wednesday, February 24, 2010
0
comments
July 21, 2009
ka-adikan lang. chapter four ng libro ni piccolo ruiz.
“Sumuko ka na Ramon, alam na naming lahat ang masamang ginagawa mo” sambit ng lalaki habang napapaiyak na si Marty sa isang sulok ng kanyang bahay. Habang puno ng tension ang buong kabahayan.
“Ramon!!! Sumuko ka na kasi!” sigaw ni Marty sa loob ng apartment
“Huwag mo ng pahirapan ang kapatid mo Ramon! Sumuko ka na! Parang awa mo na.” patuloy na pagiyak ni Marty.
Tatlong malalalakas na putok ng baril ang bumalot sa apartment ni Marty.
“Raaaaaammmmmmmmmmoooooooooonnnnnnnnnnn!!!!!!!!!!!!!!!!” malakas na iyak ni Marty.
“Bilisan nyo na! dalhin nyo na siya sa malapit na ospital.” Sambit ni Marty habang nilalagay sa stretcher ang duguang si Ramon, habang patuloy sa pag-iyak sa isang sulok si Marty.
“BOOM!”
Isang malaking pagsabog ang narinig mula sa d kalayuan, ang ambulansyang kinalalagyan ni Ramon ay sumabog, halos mawalan ng malay si Marty sa narinig na pagsabog kaya biglang takbo ang kasambahay upang sumaklolo sa amo na basang basa sa pawis at luha.
“Ate, ito tubig. OK lang ho ba kayo ate?” bigkas ng kasambahay.
“OK lang ako.” Mahinang sagot ng amo. Habang tinutulungan ng kasambahay pumanik sa kwarto sa itaas. At tuluyan ng nagpahinga ang ale na pagod na pagod sa mga pangyayari sa kinagabihang iyon. Katahimikan ang bumalot sa magdamag, pati mga pusa ay walang kasluskos na ginawa.
***
Alas sais y medya ng umaga, masaya ang lahat ng tao sa paligid. Dumarating na ang mga bata papasok ng eskwela at dumaan muli sa paboritong tindahan.
“May bago silang paninda oh! May gagamba sila, at may umang pa!” sabi ng bata na giliw na giliw sa nakikita sa maliit na tindahan. Maya maya pa ay may mga bata na rin nagsipasukan sa tindahan. Alas siyete na ng umaga at naubos na rin ang mga bata sa tindahan. Dumating na rin si KB na tumatakbong hinahatid ang mga bag ng mga anak na nauna sa mga klase nito. Lumabas na rin si Bodey mula sa lungga nito upang bumati ng isang Magandang Umaga sa lahat ng makikita. Ito ang tipikal na araw sa looban. Nagsidatingan na rin ang mga Motor Raiders, ang mamumutol ng kuryente sa lugar. At bandang ala siyete y medya ng umaga ay nagbukas na rin ng tindahan si Macy, hudyat ng simula ng araw ng puno ng chismisan ng magbabarkadang tinaguriang Gossip Gals, sila Macy, KB, at si Bodey, na kulang na lang magtayo ng internet website para ipost lahat ng mga nalalaman nilang chismis sa paligid.
Tirik na ang araw ng alas nuebe ng umaga. Kasarapan ng paguusap sa harap ng tindahan ni Macy ng may isang babae ang lumabas sa Big Apartment. Naka itim na akala mo’y namatayan. Si Marty pala, naka itim na dress at naka itim na sapatos at naka suot din ng shades.
“Namatayan ka ba Marty?” sambit ni KB sa dating kapitbahay.
“Ganda ng ayos natin ngayon ha! San ba ang lamay na pupuntahan mo? O baka may fashion show?” singit ni Bodey.
“OO nga? Bakit naka all black ka ngayon?” patuloy ni KB.
“Infairness, kagabi nag marathon ako ng Gossip Girl, at kamukha mo si Blair sa outfit mo ngayon. Ganda mare! Ganda talaga.” Pag singit muli ni Bodey.
Parang wala sa tamang isip si Marty at parang mga bulong lamang ang naririnig sa paligid. Lutang ang isip sa karumal dumal na pangyayari kagabi. Napa-tungo na lang ang babaeng naka itim sa mga kumakausap sa kanya habang naglalakad ng palayo.
“Ano ba nangyari dun? Parang wala sa sarili.” Sabi ni Macy sa dalawang kaibigan.
“OO nga eh, lutang ang isip niya. Kagabi parang may patayan sa bahay nila. Ang ingay! Sigaw siya ng sigaw! Nababaliw na ba yang si Marty?” sambit ni Bodey.
“Hay naku! Buti na lang din a ako nakatira dito.” Sabay tawa ng malakas ni KB sa mga kasama. “ang hirap yata pag may baliw kang kasama sa apartment.” Patuloy sa paghalakhak ang babaeng inaway kagabi ng asawa sa skype.
Alas diyes y medya na ng lumabas ang kasama sa bahay ni Marty na si Jenny. Katamtaman ang tangkad ni Jenny at medyo bilugan ang pangagatawan. Ilang buwan pa lang siya kila Marty pero napakagaanan niya na ng loob ang amo na ang asawa ay nasa Saudi. Anak lang ni Marty ang pangunahing trabaho niya, ngunit paminsan ay tumutulong na rin siya sa paglalaba at paglinis ng bahay dahil sa mabait naman ang alaga nitong bata na si Marco.
“Hoy Jenny! Anong drama ng amo mo at ganung ang outfit? Sasagala ba ang amo mo?” natatawang pagtatanong ni Bodey.
“Ah, si Ate Marty. Naku wag niyo ng pansinin yan. Namatay kasi si Ramon kagabi sa Tayong Dalawa. Natutulog na nga ako ng marinig ko yung pagsabog. Kala ko kung ano na nga e. Nagising tuloy ako, muntik na nga ako mahulog sa kama e. Hehe” paliwanag ng katulong sa mga kapitbahay.
Napuno ng tawanan ang buong paligid. Halakhakan at halos mahulog na sa kinauupuan ang matabang lalaki na laging nakahubad.
Posted by
ryan padilla
at
Tuesday, July 21, 2009
0
comments
December 7, 2008
Nanalo si Pacman!
walang kwentang laban,parang d naglaro si delahoya.parang tumayo lang siya at naglakad sa paligid.napaka walang kwenta tlaga.
Posted by
ryan padilla
at
Sunday, December 07, 2008
1 comments
September 4, 2008
Amazing Race Asia 3
Amazing Race Asia 3 na! Play the online board game now!
Posted by
ryan padilla
at
Thursday, September 04, 2008
0
comments